FROM JULY 25 TO JULY 27. BROKEN AKO.
SIR JOEY.
"Charl, kamusta ka na? Umiiyak ka pa din ba? Tahan ka na. Andito lang ako para sayo ha? Namimiss na kita charl. Namimiss ka na namin. Malungkot ang Clara simula nung umalis ka. :( Wala na akong inspirasyon. Alam mo ba the first time I saw you gusto na kitang maka close. Nahihiya lang ako sayo kasi akala ko suplada ka baka hindi mo lang ako pansinin. Kasi madaming nagkakagusto sayo at nagpapapansin sayo. Do you remember when you asked me for the first time if I needed something from you. Kasi pabalik balik ako sa table mo then patingin tingin ako sa monitor ng cctv. Ang sabi kasi nila nakakagaan daw ng pakiramdam sa pwesto mo. And that day you smiled at me, that day naintindihan ko na kung ano ung sinasabi nila. And thanks to wilmer and that OT, natatandaan mo ba ung araw na un nagkakwentuhan tayo. :) And everyday ka na, nag i-smile sakin. Nag goodmorning. Nag aalok ng coffee. I missed your coffee. Wala ng nag aalok samin ng pagkain. Everyone here misses you. Wala na kasing humahabol samin sa labas para lang mag goodbye. Kulang pa ang salitang mabait to describe you Charl. You know what, that even ur little musta makes me smile. Nakakawala ng pagod. Do not let other things bring you down Charl. SMILE ka palagi ha?"
OMG!!! Naiyak ako dito. :'> Ang STA. CLARA. Hindi ko namimiss pero yung mga tao, ung mga taong nagmamahal at nagpapahalaga sakin. SOBRANG MISS NA MISS KO NA. Ang daming dumadamay sakin. Kahit na nalulungkot ako. Pinapangiti nila ako. Grabe.
KAREN.
"May mga taong lang talagang dumadaan sa buhay natin para turuan tayo ng leksyon. Wag ka ng umiyak be. Di ba nga sabi naman nila sayo, di xa deserving para iyakan mo. Cheer up! Ang daming nagmamahal sayo oh. Madaming madami. Ung sakit hindi kasi basta basta nawawala siya. Hayaan mo lang na maramdaman mo. Kung nasasaktan ka, tanggapin mo. Kung naiiyak ka, umiyak ka. Let it be! Pasasaan ba at mawawala din lahat ng yan. Matapang ka! Yang sakit na yan, kaya ibinibigay sayo kasi alam na kakayanin mo. Kung mamadaliin mong mawala yan, pano ka matututong bumangon uli, paano ka magiging ganyan katapang. Nakilala kita na ikaw ung taong mabilis mainip, mabilis mapagod, mabilis magsawa pero hindi sa mga taong pinapahalagahan mo. Madali lang yan para sayo. Nasasaktan ka lang ngayon kasi, nabuo mo na sarili mo pero nawasak uli. Isipin mo na lang ung mga taong laging andyan para sayo. Be, kahit na minsan akala mo nawawala din ako sayo, hindi yan totoo. Hinahayaan lang kita, kasi alam ko madaming taong dumadamay sayo kahit wala ako. Madaming taong kayang pasayahin ka kung hahayaan mo. Hindi ko alam kung anung meron ka. Pero ikaw ung taong mahirap igive up. Kung gaano kita pinapahalagaan, kung gaano kita ivinavalue, kung gaano kita minamahal, naiintindihan ko ung mga taong nagkakagusto sayo pati na ung mga taong nasa past life mo na pero hanggang ngayon hindi ka kayang pakawalan. Wag mong sasayangin ung luha mo sa taong alam mong di naman para sayo. Tumingin ka sa paligid mo, sa tingin mo ba sa ginagawa mo ngaun, anong nararamdaman ng mga taong nagpapahalaga sayo. Nag aalala sila para sayo. Madaming nagmamahal sayo. Bumangon ka, tumayo ka. Masaya ang buhay. Pansinin mo."IT WAKES ME UP.
No comments:
Post a Comment