APRIL 22, 2013. I started working. ETO UNG ARAW NA PINANGAKO KO SA SARILI KO NA TITIGIL MUNA AKONG MAHALIN KA. MAGHIHILOM MUNA AKO. SUGATAN AKO SOBRA. PERO HINDI KO INALIS MINSAN SA SARILI KO UNG MGA PANGARAP NATIN. OO BUMABALIK KA NA ULIT SAKIN, NAGSISISI KA. PERO PINAGTATABUYAN KITA. ITINUTULAK KITA. KASI NAGAGALIT PA DIN AKO. NASASAKTAN PA DIN AKO. INILALAYO KITA SAKIN, KASI ALAM KO SA SARILI KO NA HANGGAT MAY GALIT AKO SA PUSO KO, WALA AKONG IBANG GAGAWIN AT SASABIHIN SAYO KUNDI PURO MASASAKIT NA SALITA. AYAW KITANG MASAKTAN. BUBUUIN KO LANG ULI UNG SARILI KO. PERO HINDI AKO MAWAWALA.
Lumawak ang mundo ko simula nung nagtrabaho ako. Napakahirap makisama sa umpisa. Bagong tao. Ibat ibang lugar nagmula. Napakalawak na kompanya. Ang daming boss. Ang daming workers na kailangang pakitunguhan. Ang daming files na haharapin. Ang daming tasks. STA. CLARA INT'L CORP. HR CLERK. Unang araw pa lang, ramdam ko na may taong hindi ako gusto makisama. Kapwa ko pa HR. Una hanggang dalawang linggo. Napakahirap ng trabaho ko. Nasa akin lahat ng utos. Maya maya ang utos, kahit di pa ko natatapos sa pinapagawa. Ilang linggo din akong sinubukan ng boss ko. Pero hindi ako sumuko kahit na may taong ayaw sakin. Mas madami namang taong mas sumusuporta sakin. Masaya ako sa naging trabaho ko. Newbie pa lang ako, pero sobrang dami na ng taong naging close ko. Halos ng lahat sila sa ibat ibang department giliw na giliw sakin. Pati na ung pinaka project manager namin, nakikipagbiruan sakin. Napakahirap ng trabaho, ung araw araw akong pupunta sa site. Napaka init. Para lang maghanap ng tao at magpapirma. Napakadami. Pero okay lang. Kahit na puyat at pagod ako. Masaya pa din ako sa ginagawa ko. Kasi nakakatuwa talaga ung lahat ng taong nasa paligid mo, tuwang tuwa sayo. Ung tipong kahit ung mga workers, pag dumadaan ka, humihinto silang magtrabaho para lang bumati sayo. Pag magpapapirma ka, kinukuyog ka. Kung anu anu tinatanong sayo, personal questions naman. Makukulit pero nakakatuwa.Tapos araw araw may nagbabaon at nagbibigay ng pagkain sayo. Nagtitimpla ng kape. Kada pasok mo ng site, may nag aabang na palang pagkain. At nakakatuwa, kasi pag pumapasok ako sa site, alam ng lahat. Lahat sila nagraradyo. Napakasaya ko sa naging trabaho ko. Pero kahit naman ganun, hindi pa din naiiwasan ang mga problema. Minsan nakakapagod din, ung tipong lahat ng gawain ikaw na lahat gumagawa. Tapos ung nasa kapwa mo department hayahay lang. Ang daming taong nagtatanggol sakin. Ang daming taong nagpapalakas ng loob ko.
Ang daming taong pumasok sa buhay ko. Ang daming nagparamdam. Ang daming sumubok na paibigin ako. Hindi ko alam kung anong meron sakin at ako ang ginugusto nila. Ang sabi kasi nila, napakabait ko daw na tao, totoo, ung tipong nagkasigla daw ang clara nung dumating ako. Gustong gusto nila ung ngiti ko. Hindi nila alam na ung taong to, punong puno ng sakit.
Ang hirap. Araw-araw bumabangon ako ng alas singko ng umaga, maliligo lang kakain at papasok. Dadating ako sa bahay gabi na, minsan inaabot ng alas dyis. Nakakapagod pero kinakaya ko. Nangangarap pa din kasi ako. Ung bawat araw na ipinapasok ko, nilalaan ko para sayo. Kahit hindi ako nagpaparamdam. Araw araw sa pag uwi ko tinitignan ko kung may message ka. Tinitignan ko kung nag a update ka ng status mo sa mga social sites. Kahit na di tayo friends sa mga un. I have my own ways of watching you. Hindi na lang ako nakakapagmessage minsan sa sobrang pagod. Ung tipong umuuwi na lang ako ng bahay para kumain at matulog. Kapag sa trabaho, ung tipong sumusuko na ko. Tinitignan ko ung mini eiffel tower. Sinasabi ko sa sarili ko, kailangan kong maabot to. Kailangan ko pang pagbutihin. Kailangan kong may maipagmalaki sayo. Tuwang tuwa ako kapag natatapos ko ang isang araw. Gustong gusto kong sabihin sayo. "Mahal, nakatapos uli ako ng isang araw. Para sayo to". Pero di ko pa talaga kayang bumalik nun sayo. Nasasaktan pa din ako. Alam mo bang sa tuwing sumasapit ang UNO, nagcecelebrate ako. Nakikipag inuman sa mga katrabaho ko. Tuwang tuwa ako kapag nababasa ko ung message mo. Hindi lang ako nakakabati ng maayos. Kasi may tama na ako. Sabi ko, antayin mo lang ako. Babalik ako.
No comments:
Post a Comment