Thursday, August 15, 2013

I'VE NEVER BEEN THIS HAPPY.

Ang sarap sa pakiramdam ng ang daming taong nagmamahal at nagpapahalaga sakin. Yung mga taong alam kong kailan man hinding hindi mawawala sa tabi ko. Ung tipong kahit ilang araw kang hindi magparamdam sa kanila. Araw araw pa din silang andyan, knakamusta ka nag ha hi o nag hehello. Ung tipong araw araw pinupuno ng texts ang inbox ko, araw-araw ang daming miss calls na hindi ko nasasagot. Kahit na napakalayo ko, palagi pa rin akong sumasagi sa isipan nila. Sila ung mga taong handang gawin lahat para sayo kahit hindi mo hinihingi. Yung mga taong isang text o tawag mo lang andyan na agad, walang alinlangan, walang dahidahilan. Sila ung mga taong ang gusto lang palagi akong masaya. Lahat ibibigay nila ng walang hinihinging kapalit. Ang sarap maging importante sa maraming tao. Hindi ko alam kung anong meron ako na naibigay ko sa kanila para maging ganun ako kahalaga sa kanila. Kung anong klaseng tao ako, ung totoo, un lang ang naiambag ko. Ung mga ngiti ko, ung bawat saya sa mga mata ko, dahil lahat sa kanila. Sobrang bilis kong nakabangon agad. Natatawa akong isipin na sa loob lang ng dalawang araw, naka move on na agad ako. Siguro ganun talaga, kapag sobrang pagod na. Naging madali na lang lahat. At ayaw na din ako pahirapan ni God, kasi alam nia at alam ko mismo na hindi un ung taong para sakin. Gusto niya lang iparealize na ang daming taong nagmamahal sakin na dapat ko namang bigyan ng pansin at halaga. Ung mga taong gusto akong makasama sa iba't ibang lugar. Ang dami nilang taong nagyayaya na lumabas kasama ako. Kakain sa labas, manunuod ng sine, maglalaro, mag sports. Gusto ako ipunta sa manila, mag star city, mag ocean park, mag malling. Ilibot sa makati. Gusto akong isama sa Bohol. Gusto akong isama sa iba't ibang lugar na may mga adventure. Gusto akong ipunta sa puerto prinsesa. Sa aklan, mag bora. Sa singapore pa. May nangagarap pa na tumira kami sa America. Around the world? GRABE!! Sobra sobra sila para sakin. Araw araw hindi nawawala ung mga ngiti ko. Gabi gabi may kausap ako sa phone, gabi gabi may kumakanta sakin. Hindi ko maexplain lahat ng nararamdaman ko, sa dami nila hindi ko na alam kung kanino ba talaga ako pinakanatutuwa. Ung tipong bigla na lang akong tatawa, kikiligin, tapos magugulat ung mga tao sa paligid ko, ano daw nangyayari sakin. HAHAHA. Ang saya lang kasi ng may mga taong makabanat wagas, cheesy pero sweet. "Niloko ka ba niya, halika seryosohin kita" "Ilista mo lahat ng mga pagkukulang niya, ako na bahala magbayad". Madamiiiiiiiii. Blessed?ako na ata un. Ang dami kong lalaki, ang dami ding babae. Ang daming bagong tao, madami ding dati pa. Pang rampa?Madami din ako niyan. Matataas?Engrs?Maap?Mapangarap?Meron din ako.Pero itake for granted silang lahat? Hinding hindi ko gagawin. Isinet ko na ung sarili ko na hindi ako magmamahal uli ng taong hindi ko naman talaga mahal. Alam nilang lahat un. Ibinangon ko ung sarili ko, para buuin uli. Magsimula ng magandang buhay, mas malawak na pangarap, sobrang lawak. Pero hindi ko sila iiwan sa ere. Mananatili silang inspirasyon ko. Isasama ko sila sa bawat journey na tinatahak ko. Kung umibig man uli, hindi ko na mapipigilan un, bigla bigla na lang tumitibok ung puso kahit hindi mo gustuhin, magmamahal at magmamahal ka pa din. At pinapangako na kapag dumating ung araw na yun kasama na ung taong mamahalin ko, lahat ng mga natutunan ko sa past relationships ko, iaapply ko. 

No comments:

Post a Comment