9 o'clock ng umaga, nagbyahe ako, galing ng Bataan papuntang Baguio. JULY pa lang, naka plan na ako na pupunta ako sa birthday niya. Pero hindi niya alam. Kinausap ko lahat ng mga kasama niya sa bahay, ung mga pinsan ko at si Paula, sinabi ko I'll be there sa birthday ni Karen kahit anu mangyari. At wag na wag nilang sasabihin kasi gusto kong isurprise siya. Last week ng July, bumabagyo panay ang ulan, akala ko di na ako makakapunta. AUGUST 01. Kahit umuulan wala akong pakialam basta kailangan kong pumunta gusto kong pumunta dahil alam ko sa araw na yon, hinihiling niya na sana andun ako kasalukuyan para kumpleto ang araw niya. Palagi ko siyang tinatanong anong gusto mong gift sa bday mo, at palagi niyang sinasagot 'IKAW'. Alas dose, sinalubong nila ung birthday niya, kasama pati parents at mga kaibigan niya. Hindi ko siya binati, ayaw ko siyang batiin. Nagtampo siya, ung taong inaasahan niya daw na babati sa kanya hindi siya binati. Ofcourse, it was part of my plan. Umaga magkatext kami, wala pa din siyang kamalay malay na nasa byahe na ako. Ang sabi ko sa kanya, masama ang pakiramdam ko, at may puputahan kaming iba. Para lang talagang maniwala siya na hindi ako mkakapunta. Gusto ko kasi tlagang isurprise siya.
5pm. Nakadating na ako ng Baguio. Kumain ako. Nag isip kung anung gusto kong gawin, ayoko ng basta magpakita lang. Gusto ko special. Nagpunta ako ng porta vaga, bumili ako ng 18 mini balloons. Para saktong susulatan ko ng HAPPY BIRTHDAY KAREN! Then, pumunta ako sa Novo, bumili ako ng empty shirt, ung kulay lavender, naisip ko kasing magdrawing at sumulat sa shirt na yon. After that, hindi muna ako dumiretso sa apartment, pumunta muna ako sa bahay ng kaibigan ko. Dun ko ginawa ung plan ko. Nagdrawing ako ng turtle at pig sa harap, and saying Happy Birthday! tapos sinulatan ko ng banat, "Pagong ka ba? kasi nagpahinga ung mga kalaban mo, kaya kahit mabagal ka, IKAW pa din nauna sa Puso ko!" Tapos sa likod gumawa ako ng tula para sa kania, kaya lang hindi daw nagsink in english daw kasi hahaha. 8pm na ng gabi nung nakapunta ako. Dala dala ko ung balloons at suot suot ko ung shirt. Nasa corregidor pa lang ako andun na mga kaibigan niya, sumisigaw, "IKAW ung SURPRISE". Nag sign ako sa kanila ng quiet. Then, I knocked on the door, SIYA ung nagbukas, nagtago AKO sa balloons at saka ako ngpakita, She was shocked. Parang iiyak. Niyakap ko siya, kiniss at binati ng Happy Birthday! Tapos ung mga tao sa paligid, tuwang tuwa lalo na ung parents niya. Pero nakakaloka kasi parehas kaming natumba. At pinahubad na agad ung shirt. ahaha. Yehey! perfect! hindi ako nabigo sa surprise ko. I love her so much. Kahit anung mangyari hindi niya ko iniiwan, kahit minsan nababalewala ko siya. Gusto ko lang talagang bumawi sa kanya, ako ung taong hindi nag eeffort sa taong hindi naman ganun kaspecial para sakin. Pero kapag ako nagpahalaga, ganito ako. Ganito ako magmahal.
10pm na yata nung nakumpleto kami, si Gelly kasi ung huling dumating. At nagsiuwian na ung mga classmates ni Kar. Niyaya ko siyang lumabas kasama ung pinsan ko. Sabi ko bibili lang kami. Di niya alam, may isa pa kaming surprise sa kanya. Ung mga naiwan, sila na ung naghanda. Bumili kasi sila ng cupcakes, choco choco, nips at candles. Nakaplano na talaga lahat tong mga pangyayari bago ka pa sumapit AUGUST 01. hahaha.
AT SYEMPRE.. SUCCESSFUL KAMI!!!!!!!!!!
No comments:
Post a Comment