Monday, August 5, 2013

ANG LOVE STORY KO.. PART 1..

HIGHSCHOOL. FRESHMAN AKO NUNG MAKILALA KO SIYA. SI LYN. HINDI PA KAMI NAGKAKAKILALA NG PERSONAL PERO PALAGI KO SIYANG NAKIKITA SA BINTANA NG ROOM NAMIN. CLASSMATE SIYA NG MGA BARKADA NAMIN. UNANG TINGIN KO SA KANYA, SUPLADA AT MASUNGIT KASI HINDI KO SIYA MADALAS NAKIKITANG NAKANGITI, LAGING NASA TABI. HINDI KO ALAM KUNG MAY GUSTO NA AKO SA KANYA NUNG MGA PANAHON NA YUN, KASI NUNG TIME NA I WAS A SOPHOMORE DUN PA LANG KAMI NAGKAKILALA TALAGA. PERO UNG MGA BAGAY NA GINAGAWA NIYA NUNG FRESHMAN PA LANG AKO NATATANDAAN KO. KATULAD NG SUOT NIYA NUNG NAGSAYAW SIYA NG RETRO. UNG PAGPAPAHIRAM NIYA NG CELLPHONE NIYA SA ISANG CLASSMATE KO. UNG MUKHA NIYA NAALALA KO KAPAG ANG SUNGIT NIYA. HINDI KO ALAM KUNG BAKIT KO NATATANDAAN UNG MGA UN, E SAMANTALANG NUNG FRESHMAN AKO, DI NAMAN AKO GANUN KAAWARE SAKANYA KASI IBA PA UNG TAONG GUSTO KO.
AND LOVE STARTED WHEN...

I was a SOPHOMORE. Eto ung time na ung barkada pa namin ung nililigawan ko. Eto ung panahon na nakakasama na namin siya. ATE MARVI, ATE GRETCH, CHINET, SHAI ANN, ATE JHEZ AT SYA. Sila sila ung mga magkakaibigan nung panahon na un. DI KO TALAGA ALAM PAANO NAG UMPISA. Pero natatandaan ko, unang nagkasama kami, unang nagkatabi kami, unang nagkausap kami, noong panahong ung nililigawan ko pa ung kaibigan namin, noong hinatid namin sila, sa ipag, UMUULAN NOON AT WALA AKONG PAYONG, NAGKATAONG SIYA UNG MERON AT PINASUKOB NIYA AKO, INAALOK PA NGA AKO NG PAGKAIN EH. KUNG IISIPIN MO, ANG ROMANTIC. MAY MAGIC.

Nalaman ko lang na gusto niya na ako dahil sa sinabi ng kaibigan namin na palagi na niya akong hinahanap sa tuwing may lakad. I was shocked. Hindi ko naman kasi aakalain na magkakagusto siya sakin. Pero natuwa ako. Palagi na kaming nagkakasama, nagkakausap at nagkakakwentuhan. Niligawan ko siya kahit na mutual na kaming dalawa. MASAYA. INLOVE KAMI SA ISAT ISA. Lagi akong may pakulo para sa kanya. Sinusulatan ko siya, actually nagpapalitan kaming dalawa. Kahit na nagkikita kami at nagkakasama sa school. Sobrang dami naming sulatan. Natatandaan ko palagi ko siyang ginagawan ng mga tula. Idinodrawing ko siya. Inaalayaan ng kanta. Binibigyan ng chocolate. Lahat ng meaning ng iloveyou sa ibat ibang lenggwahe isinulat ko sa papel, at habang naglalakad ako papasok ng room namin, hawak hawak ko un at ipinapakita sa kanya, magkatapat lang kasi ung room namin nun. MASAYA KAMI. Palagi kaming nagkakasama, pasecretong naghahawakan ng kamay, sabay nagrerecess sabay umaakyat sa mga room. Sa pila tuwing umaga sumisilay. Lahat ng tagumpay ko nuon, sa kanya ko inaalay, ung medal ko na nakuha sa quiz bee. Ung mga honors ko para sa kanya lahat. Pero lahat ng yon, sinira ko. Winasak ko. Nagkamali ako ng isang beses. Nagloko, nagsinungaling, naglihim. Pero tinapos ko din naman agad un at parang laro laro lang. Inamin ko, inamin ko naman sa kania. Humingi ako ng tawad. Pero di na niya ako nabigyan ng second chance. Ginawa ko lahat para mapabalik siya sakin. Ang tagal ko siyang sinuyo suyo. Pero panay siya nagmamahal ng iba. Palagi niya akong pinagpapalit. Lagi niya akong itinataboy, lagi akong itinutulak palayo. Minahal ko pa din siya, walang tigil walang sawa. Ang dami dami kong naranasan sakit at pagrereject galing sakanya. Lahat ng paraan ginawa ko. FOURTHYEAR. Senior na ata ako nung nagkabalikan kami. Back to normal kami, MASAYA. At mas minahal ko siya. College na siya, 1hour ang byahe mula sakin. Nagkikita kami dati kapag halfday lang sya. Nag ka cut ako ng class ko. Nagkikita kami sa bahay nila o minsan sa bahay namin. Kahit kakaunting oras lang okay na saming dalawa basta magkasama kmi. 2ndyear college na ako nung nagbreak uli kaming dalawa. That time, ako na nakipaghiwalay. Nainlove ako. Nainlove sa kaboardmate ko. Nainlove ako kay Gelly. Iniwan ko siya. Hindi lang dahil sa may mahal na akong iba. Kundi dahil sa sobrang sakit na ng mga pinaparanas niya sakin. Nung panahong nagkabalikan kaming dalawa, alam ko di na siya ganun kaseryoso sakin. Nung panahon na yon, alam ko di lang siya sakin naka focus. Ang dami dami niyang katext, ang dami dami niyang katawagan, harap harapan nia kong sinasaktan kahit magkasama kami. Dati nung nagcollege na ko. Lagi ko siyang inuuwian, walong oras ang layo namin sa isat isa. Makasama lang siya gagawa at gagawa ako ng paraan. Kahit na nakakapag sinungaling ako sa magulang ko, at kinakasabwat ko ung pinsan ko, hindi ako pumapasok sa school ng ilang araw makita at makasama lang siya. Kasi sobrang miss na miss ko na siya. Sobra kong tinitipid ung sarili ko nun, may maipamasahe at may mapang gastos lang. Kaya lang kada uwi ko, masaya ako pero palagi din akong umiiyak. Ang sakit sakit ng palaging niloloko at ginagago. Ano pang natira sa lahat ng tiwala ko, kung harap harapan sinasaktan talaga ako. Paano pa kung magkalayo kami, anu pang ginagawa niyang iba. At ang pinakamasakit na part ung panahong, nilaglag niya ako sa magulang niya. Umabot pa hanggang sa pamilya namin. Dineny niya ako. Nagsinungaling siya. Nilaglag niya ako. Minahal ko siya ng totoo. Pero lahat ng sinusukli niya, puro sakit sa puso.

NAKAPAGMAHAL AKO NG IBA.. Ung taong minahal ako ng sobra.. Minahal ako ng totoo. Inalagaan ako. Pinahalagahan ako. Iniiyakan ako. Ang problema, nasaktan ko siya ng sobra.. MAHAL KO SIYA. Pero di ako ganun kabuo nung panahon na un, iba ako nung panahon na un, mabisyo, mabarkada, loko loko. Pero kahit ganun ako,, alam ko naramdaman niya, minahal ko tlaga siya. Kaya lang, MAS MAHAL NIYA ako. Hindi ko natapatan ung pagmamahal niya. UNG SAYA KO NUNG MINAHAL KO SIYA KAKAIBA. MASAYANG MASAYA. She's beautiful inside and out. She's a jolly person. Parang wala ngang dull moments sa kania ehh. Panay ang tawanan, harutan, at kiligan. Napakatalino pa niang tao. Ang sarap sarap nia magmahal, ang sarap nia mag alaga. Ang lambing niya. Shet! Ramdam na ramdam ko gang ngaun kung gaano niya ko minahal dati. Ang tanga tanga ko para sayangin un. Kahit na minsan, nag aaway kami, nagbubugbugan, pagkatapon naman nun, nagsosorry kami sa isat isa, parehas namin inaalagaan ang isat isa. SIYA ung taong ang sarap ikeep. Sobrang nagsisisi ako sa lahat ng mga nagawa ko sa kanya nuon. SOBRA SOBRA. Alam ko hindi na namin maibabalik ung dating pagmamahalan naming dalawa dati. At hindi ko naman na hinihiling na maibalik pa un, ang gusto ko lang. mag umpisa uli kami ng bagong pagkakaibigan namin. Ung parang ngayon. Kung paano kami ngayon. Kaibigan ko siya at kaibigan niya ako, lagi lang akong nandito para sa kania. I'll love her forever. She's my one and only bunso. Hinding hindi na mababago un. Kahit na siya ung nagsabi sakin na wala namang forever. :)

 

No comments:

Post a Comment