Tuesday, August 6, 2013

HURT. PAIN.

SINUSUBAYBAYAN kita bawat araw noon. GUSTO ko din kasing makita kang masaya. Nagkaroon ka ng bagong kaibigan. Masaya ako. Pero ang sakit pala kapag kakaiba na. Nung panahong gusto kong bumalik sayo. Ramdam ko may iba na. Di mo lang sinasabi. Nakapagsalita ako ng masama sayo, kasi nasasaktan na naman ako. Ang sabi mo kasi nuon sa mga message mo, di mo kayang magmahal ng iba. Na ako pa din mahal mo. Na tayo pa din tlaga endless. Umasa ako dun. Pinanghawakan ko un. Kahit na di ako nagpaparamdam sayo nung panahon na yun, dba sinabi ko naman sayo hindi ako nawala. Akala ko kasi totoo lahat. Akala ko kasi iintayin mo lang ako. Hindi pala. Parang ung lahat ng mga pangarap ko bumagsak. Handa na ako. Pero ikaw naman ang nawala. Ang hirap din palang magmahal ng palihim. Akala ko kasi mas makakabuti hindi pala.

OO, NAGSINUNGALING KA NA NAMAN SAKIN. NILOKO MO NA NAMAN AKO. GRABE MINAHAL KITA NG TOTOO. AKALA KO KASI AKO LANG MAMAHALIN MO. AKALA KO KASI HAHANTAYIN MO KO. MERON KA NA PALANG IBA.

Nung umuwi ka ng Pilipinas. Natuwa ako. Kasi gusto kitang makita. Gusto kitang makasama. Akala ko ako ung inuwian mo. Mga ibang tao pala. Wala kang pakialam sakin. Binalewala mo ako. Ang sakit para sakin. Sinoli ko lahat ng gamit mo. Lahat lahat gusto kong isauli. Gusto ko na lang kasing kalimutan ka, ang sakit sakit ehh. Tapos nakipagkita ka. Parang bumalik ung lahat. Ang saya nting dalawa. Sobrang namiss kita. Sobrang mahal natin ang isat isa. Akala ko babalik na sa dati ang lahat. Hindi pala. OO KASI MAY NILILIHIM KA SAKIN. Lagi na lang kitang nahuhuli. GRABE! May boyfriend ka na pala. Ang sabi mo gusto pa lang niyang manligaw. Un pala kayo na bago ka pa umuwi ng Pilipinas. GINAMIT MO LANG AKO. Nakipagkita ka sakin kasi ikaw hindi ka niya magawang puntahan. Hindi mo pa ba tlaga nararanasang masaktan?Bakit ba gustong gusto mo kong pinalalaruan? Ang sabi mo ako mahal mo. Pero nung tinatanong kita kung bakit di mo sya magawang iwan para sakin, di ka sumasagot. Tapos ang sabi mo gusto mo kasi ung taong nilalambing ka, kasi satin panay ikaw ung nag aalaga. GRABE!!!!!!! HALOS ISANG TAONG NAGKASAMA NI MINSAN HINDI MO MAN LANG NARAMDAM UNG PAGLALAMBING KO?? Binuhos ko lahat ng oras ko sayo, sa kahit anung paraan pinaparamdam ko sayong mahal na mahal kita. Nakulangan ka pa pala. Tapos sabi mo, gusto mo muna mag enjoy. Pero ako pa din ung gusto mong makasama after 10years. Niloloko mo ba talaga ako? Pinag mumukhang tanga? Ginagago?

Ang sabi mo siya kasi ung taong nasa tabi mo nung panahong may problema tayo. Siya kasi ung dumamay sayo. Siya ung nakinig sayo. Mabait kasi siya at tanggap ka niya. Bakit? Ako ba hindi mabait? Ako ba hindi ka tanggap? Kung naging mabuti man siyang tao sayo nung mga panahong may problema tayo, edi sana hindi mo binoyfriend kung totoo man ung sinasabi mong ako pa din ung mahal mo.! SINUNGALING KA. Bakit ako, alam mo ba kung sino ung mga taong pinagsasabihan ko, kung kanino ako umiiyak, sa mga taong nagkakagusto din sakin, pero shinota ko ba? binoypren ko ba????? Ang sabihin mo, gusto mo kasi ung nairarampa mo, ung napapakilala mo sa iba, ung hindi mo kinakahiya, ung naisasama mo sa mga lakad mo. Kasi ako hindi mo kaya ipagmalaki. Alam mo sa dami ng taong nagkakagusto sakin. Ni isa wala akong pinayagan. Kapag tinatanong nila ako kung bakit. Sinasabi ko sa kanila ung totoo. Na broken ako. Na kakabreak lang namin nung april, pero mahal ko pa din sya. Ayokong pumayag kasi ayokong makasakit ng tao. Ayokong isipin nila na tinitake for granted ko sila kasi may gusto sila sakin. Unang una pa lang, umaamin na ko sa kanila. Sinasabi ko na kung anu lang sila para sakin. Na di ko sila kayang mahalin kasi may mahal akong iba. Lahat sila naging kaibigan sakin. Naintindihan nila ako kasi naging honest ako sa kanila. Kaya hindi na nila ipinilit ung pagmamahal nila. Wala akong ibang iniisip noon kundi ikaw. Pero ang nangyare. Ganyan na pala. NILOKO MO. GINAGO. GINAMIT. Napakatanga ko talaga pag dating sayo. Palagi na lang akong umiiyak sayo. Gustong gusto kong iuntog ung sarili ko, kasi napakatanga ko para maniwala pa sayo na totoong mahal mo ko. Nang gigigil ako sa galit. Gustong gusto na kitang burahin sa buhay ko. Sa buhay namin ng pamilya ko. Nilapit kita sa kanila. Sa mga kaibigan ko pinakilala kita. kasi proud na proud ako sayo. Ni kahit nga ung pinsan ko, pinagtanggol ka. Nung nalaman ko ung totoo, sinabi ko sa kanya wag ka na niyang ichachat, wag n wag n niyang ssabihin sakin mga status mo, iunfriend ka na niya. Ang sinabi niya sakin, hindi niya kaya, kasi parehas niya tayong mahal. Nakakapagod kang mahalin. Nakakasuko. Kasi ang hirap mong pagkatiwalaan. Hindi na malaman kung anu pang totoo sayo. Pero pinapangako sa sarili ko. Huli na un. Hindi na ko uulit pa. GALIT AKO GALIT NA GALIT SAYO.

AND THANKS GOD. IN TWO DAYS LANG, LIMOT NA AGAD KITA. WAG KA MAG ALALA, IKAW LANG MISMO UNG LIMOT KO, PERO LAHAT NG MGA GINAWA MO, HINDING HINDI MO NA MABUBURA.

No comments:

Post a Comment