Friday, October 25, 2013

TRUST. Big word. Madaling ibigay pero madali lang din sirain. Mahirap panindigan na tipong isang beses lang mawala mahirap ng ibalik. Hinding hindi na maibabalik. Pero aminin man natin o hindi, ung natitirang tiwala kayang kaya at maaari natin ibigay muli sa taong minamahal natin ng totoo. Ngunit hindi natin mamamalayan na unti unti tayong nauubos sa bawat paulit ulit na pagtanggap natin na lokohin tayo at sirain ung tiwalang ibinibigay natin. Sobrang nakakatakot magtiwala. Hindi natin alam kung kailan dadating ung araw na pwede itong masira mawasak, o baka sa mga oras o araw pang napakasaya mo sa feeling niya. Hindi mo alam niloloko ka na pala. Yung ipaparamdam na mahal na mahal ka pero kapag hindi kayo magkasama, hindi lang pala ikaw ung mahal niya. Ung tipong akala mo sayo lang siya malambing sayo lang siya nagpapahalaga, nag aalala, meron pa palang iba. Ang daming sitwasyon na hindi mo aakalaing pwede pa lang mangyari kahit na ramdam mo mahal na mahal ka niya pero ang totoo pinagsisinungalingan ka pala. Alam mo ung feeling na halo halo. Mabigat. Magulo. Masalimuot. Paano ka magtitiwalang muli kung sa bawat sabihin at gawin nia, natatakot ka na, na tipong gusto mo palaging itanong kung totoo ba o hindi? TAKOT. Kadugtong ng bawat sakit. Sakit na kailanman hinding hindi na maiaalis. Ang puso marunong magpatawad, pero ang bawat sugat, ang bawat peklat hinding hindi na mabubura.

No comments:

Post a Comment