Wednesday, July 31, 2013

AUGUST 1, 2013.


UNO na pala. Anung meron???


Bigla kong namiss ung mga kawork ko. Kasi sa tuwing sasapit ang uno. Lagi ko silang niyayayang lumabas. 'Pards, tara shot tayo ngaun! Sagot ko!'. Papayag agad syempre libre eh. Hahaha. Di ko alam kung napansin nila na sa tuwing uno ko lang sila niyayaya. Eto kasi ung naging valued number ko since lastyear. Eto kasi ung pinagdiriwang ko kada buwan. Eto kasi ung araw ng kaarawan naming dalawa. Sa madaling salita monthsary. Ngayon, hindi ko ipagdiriwang tong araw na to para dun, kundi para sa birthday ng bestfriend ko. Di niya alam na darating ako, di nia alam na babatiin ko sya sa personal. Sana epektib ang surprise ko. Sana sumaya siya. Sana mapasaya ko siya. Sana mapaiyak ko siya. Excited na ko!!!! Di lang para dun, kundi dahil na din sa makikita ko ung mga taong napakaspecial skn. Sila ang comfort zone ko. Sila ang the best of the best ko.



AUGUST 2013. I'll make it the most memorable month of my year. Ang buwan na to ay para sa pagbabago. Uumpisahan ko sa sarili ko. Kakalimutan ang mga bagay at mga taong nanakit at nanggamit. Iblog lahat ng mga nararamdamang di nakakabuti, lahat ng mga emosyong nakakabigat at nakakasakit. Lahat. Para mawala. Mawala ng tuluyan. Uumpisahan ko ng ipost lahat ng mga drafts sa blog na to. Yan ang unang gagawin ko.

No comments:

Post a Comment