Wednesday, July 31, 2013

AUGUST 1, 2013.


UNO na pala. Anung meron???


Bigla kong namiss ung mga kawork ko. Kasi sa tuwing sasapit ang uno. Lagi ko silang niyayayang lumabas. 'Pards, tara shot tayo ngaun! Sagot ko!'. Papayag agad syempre libre eh. Hahaha. Di ko alam kung napansin nila na sa tuwing uno ko lang sila niyayaya. Eto kasi ung naging valued number ko since lastyear. Eto kasi ung pinagdiriwang ko kada buwan. Eto kasi ung araw ng kaarawan naming dalawa. Sa madaling salita monthsary. Ngayon, hindi ko ipagdiriwang tong araw na to para dun, kundi para sa birthday ng bestfriend ko. Di niya alam na darating ako, di nia alam na babatiin ko sya sa personal. Sana epektib ang surprise ko. Sana sumaya siya. Sana mapasaya ko siya. Sana mapaiyak ko siya. Excited na ko!!!! Di lang para dun, kundi dahil na din sa makikita ko ung mga taong napakaspecial skn. Sila ang comfort zone ko. Sila ang the best of the best ko.



AUGUST 2013. I'll make it the most memorable month of my year. Ang buwan na to ay para sa pagbabago. Uumpisahan ko sa sarili ko. Kakalimutan ang mga bagay at mga taong nanakit at nanggamit. Iblog lahat ng mga nararamdamang di nakakabuti, lahat ng mga emosyong nakakabigat at nakakasakit. Lahat. Para mawala. Mawala ng tuluyan. Uumpisahan ko ng ipost lahat ng mga drafts sa blog na to. Yan ang unang gagawin ko.

How are you August? I waited for you. What took you so long? ;)


WELCOMING AUGUST....
    

Hi August! Every year, ikaw ang pinaka the best month ever ko! And this year, alam ko madami na nmang mangyayaring maganda. Hindi lang puro magaganda kundi pati mga masasayang alaala. AUGUST. Maraming celebrations. AUGUST. Very memorable. Hindi ko alam kung bakit npaka special ng august sakin, samantalang Nov ang birthday ko. AUGUST. Siguro ksi birthdays ng ilan sa mahahalagang tao sa buhay ko. Uno. Karen. Syete. Shai. Otso. Kuya. Bentesais. Ching. Trenta. Ghelai. Kwatro. Four years anniv na sana namin ni Bunso. :) sa tuwing naaalala ko kung pano kami nag umpisa. Sobrang napapangiti ako. Kung paano nag umpisa si chee chee at si ghee ghee. Ang gandaaaaa! Ang sayaaaaa! Ang sarap ulitin ng bawat alaala. Balang araw, babalik din sa dati ang lahat. Naniniwala ako. :'>

Thursday, July 25, 2013

July 22, 2013 Imissyou Ineedyou Where are you

WISH UPON A STAR

11:11

Gusto kong maging masaya....
Bakit ba ang lungkot ng araw ngaun? Anu bang meron ung mga nakaraang araw? Palagi na lang akong walang gana. Minsan bigla ko na lang gustong umiyak. Palagi ka na lang kasing sumasagi sa isip ko. Bakit ba bigla ka na lang nagbago. Bakit parang binabalewala mo na lang ako. Oo asa pinas ka kasi. Madami na namang taong nkapalibot sayo. Madae ka na naman kasing taong pinapasok sa buhay mo. Ikaw? Masaya ka ba ngaun? Kamusta ka na? Naaalala mo pa ba ako? Namimiss na kita. Pasagi naman sa isip mo.